Fist time ko lang pong mag post sa website na to at sa pagkakataong ito nais kong magbigay ng kaalaman patungkol sa mga iba't ibang lugar, Lugar na ating kinagisan ngunit di natin alam kung ano nga ba ang kasaysayan nito.
Lungsod ng Dagupan
Alam niyo ba ang Lungsod ng Dagupan ay isang sa ika-isang klase ng lungsod sa Pilipinas. Ito ay isang indepentiyenteng bahaging look ng lalawigan ng pangasinan. Matatagpuan ito sa Golpo Lingayen sa pulo ng Luzon. Hinago ang pangalang ng lungsod mula sa salitang pandaragupan ayon sa katutubong wika ng Pangasinan, na nangagahulugang "pook ng pagtitipon" dahil ito ay isang sentrong pamilihan ng rehiyon sa loob ng maraming dantaon. Ang Dagupan rin ay ang pangunahing daungan at pangkalakalan at sentro pang-pananalapi ng Hilagang Luzon; isang masiglang pakikipagkalakalan ang nagaganap para sa mga produktong tubo, mais, bigas, kopra, asin at mga inuming alak na gawa mula sa palmang nipa. Kilala dn sa isdanf bangus ang Dagupan dahil sa dami ng bangus na mahuhuli dito at kinikilala dn itong kabesera ng bangus. Sa tuwing sumasapit ang buwan ng abril nagkakaroon ng malaki at masayang pagdiriwang ang mga dagupeño, ipinagdiriwang nila ang Bangus Festival at nagkakaroon ng iba't ibang patimpalak. Nagkakaroon rn ng mahabang ihawan ng bangus o tinatwag sa Kalutan ed dalan.
Maraming salamat sa iyong pagview sa aking blog. Nawa nagkaroon kayo ng kaunting kaalaman. Maraming salamat☺☺

No comments:
Post a Comment